Tuesday, May 7, 2013

Guilty Love


Im sorry kung nasaktan kita ng naisip ko na humiwalay sayo if nanalo ako doon sa contest. Apat na taun ko kasi yun pinagpaguran para makasali ako sa contest na yun at akala ko yun na ang magpapasaya sa akin. Pero hindi pala. Manalo man ako doon mukhang hindi pa rin ako magiging masaya kasi hindi maayos buhay ko. Libong mahirap nga mapapasaya ko pero ako paulit ulit pa din akong hihiga sa gabe at matutulog na malungkot at magkaroon ng masamang panaginip pagwala ka.

Im sorry kung feeling mo ipagpapalit kita sa ibang tao. Hindi ko sila priority tulad nang sabe mo. Priority ko sarili ko at parte ka ng sarili ko. Gusto ko na after a long day may tao akong puwedeng makausap, lambingin, halikan, at sabihan ng "i love you so much" araw araw bago matulog kahit hindi naman talaga kme magkatabe sa kama.

Im sorry naisip ko lahat ng yun ksi takot ako na masaktan mo uli. Pusong bato man kung ituring nila, pwede din ako masaktan at isa ka sa mga tao na may karapatan at kakayahan na saktan ako.

Nasabe ko ba sayo noon na sobra akong nasaktan sa ginawa niyu ng kaibigan, lahat ng pasaway, pag.echos mo sa akin? Pinatawad at tinanggap kita pero ang dulot nun sa akin ay takot na baka ulitin mo lahat yun. Baka mag-give up na ko nun pagmaulit pa. Pero siguro nung pinili kong magpakagaga ulit sayo dapat handa na ako sa posibilidad na masaktan lang ako.

Gusto ko alagaan kita, bigay ko sayo oras ko kasi wala dito sina mama mo. Gusto ko maramdaman mo na mi nagmamahal sayo! Kaya ko yun naisip na pagmasyado akong busy hindi ko na magawa yun. Mghanap ka ng iba, maulit yung sa kaibigan mo dati, masasaktan lang ako. At pwede ding masaktan kita. Ang selfish at mahina ako nu?

Im sorry hndi ko naisip na baka.. kahit maliit na percent.. nagbago kana at kaya mong maghintay sa akin buong araw at isang text, sampung segundo na tawag ok kana. Hindi pa yun unfair sayo? Im sorry hindi kita kinausap muna sa sitwasyun ko noon. At bigla lang ako nagdesisyun.

Im sorry kung minsan duda pa din ako na mahal mo ako. Pero naisip mo din ba na masyado kitang mahal ayokong paghintayin ka buong araw? Na malayu tayu sa isa't isa nagyon baka mahirapan lang tayo at masaktan pa natin ang isa't isa sa huli.

Pwede din na masyado kitang mahal kaya ko din maghintay sayo sa tamang oras na pwede na talaga tayo magkita at magasama ng malapitan. At sa puntong yun dun tayo magdecide kung saan yung buhay nating dalawa pupunta. Ok na ba yun? Hindi ako nanalo sa contest kasi sabe ni Lord sayo lang ako. Tayu na lang daw dalawa ang magdamayan.

Ayoko pang mawala ka sa buhay ko. Please wag na wag kang mag-give up sa akin kasi minsan gaga talaga ako. Kailangan ko ang taong hindi ako iiwan kahit sobrang hirap na samahan ako. At patuloy kong tutupadin ang promise ko sa'yo noong una tayong nagkakilala. Naalala mo ba yun? Tinanong kita kung ano ang gusto mo at hiniling mong hindi kita iwan kahit anong mangyari. Well, kahit isang libong contest pa yan, di kita iiwan. Uuwi pa din ako sa'yo.


Your Bheb,


- C